Sumakabilang buhay na si dating US First Lady Nancy Reagan.
Si Mrs. Reagan na dating aktres at maybahay ni dating US President Ronald Reagan ay 94 na taong gulang na.
Ang dating US First Lady ay walong taon ding namalagi sa White House at nakatira sa Los Angeles kung saan siya namayapa dahil sa congestive heart failure.
Ang labi ni Ginang Reagan ay ilalagak sa Ronald Reagan Presidential Library sa Simi Valley, California, katabi ng dating US President na namayapa noong June 5, 2004.
By Judith Larino