Isang forum ang pangungunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) sa Martes, Hunyo 7.
Layon ng naturang forum ang talakayin ang EDCA, ang pag-unlad ng pagpapatupad nito at kung paano ito nakaapekto sa kooperasyon ng Pilipinas sa ibang bansa mga bansa sa rehiyon.
Inaasahang magbibigay ng kanilang insights sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Undersecretary for Defense Policy Pio Lorenzo Batino, Assistant Secretary for American Affairs ng DFA si Maria Angelita Austria, convenor ng National Security and East Affairs Program si Renato de Castro
Dadalo rin at makikilahok ang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, diplomatic corps, academe, analyst ,business community at mga analyst mula sa Amerika, Japan at Australia.
Matatandaang pinirmahan ng Pilipinas at Estados Unidos ang EDCA noong 2014 upang palakasin ang alyansa ng dalawang bansa.
By Rianne Briones