Isang forum ang nakatakdang isagawa sa Senado sa Huwebes, August 4 kung saan tatalakayin ang isinusulong na Pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing forum na may temang “Federalizing the Philippines” ay pangungunahan ng mag-amang Pimentel.
Inaasahang tatalakayin at ipiprisinta ni dating Senate President Aquilino “nene” Pimentel Jr. Ang merito ng federal form of government, kapalit ng presidential unilateral system.
Habang keynote speaker naman ang anak nito na si Senate President Koko Pimentel.
Inorganisa ng senate economic planning office ang naturang forum.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno