Nagsagawa ng forum hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea, sa Negros Oriental, ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Philippine Information Agency.
Ito ay bilang bahagi ng information drive ng DFA, para maipaliwanag sa publiko ang isyu.
Kabilang sa tinatalakay sa forum ay ang mga dahilan kung bakit nagpapasaklolo ang Pilipinas sa International Tribunal, gayundin ang mga basehan sa pag-angkin sa teritoryo.
Maliban sa Negros Oriental, una nang isinagawa ang kaparehong forum sa Cebu, Palawan, Cagayan de Oro, Subic, Laoag at Vigan.
By Katrina Valle | Allan Francisco