Isang miyembro ng PSG o Presidential Security Group ang natagpuang patay at may tama ng bala sa dibdib sa loob ng compound ng Malakanyang.
Ayon kay PSG Commander General Lope Dagoy, kinilala ang nasawing PSG officer na si Major Harim Gonzaga.
Natagpuan umano si Gonzaga ng asawa nitong wala nang buhay sa loob ng kwarto nito sa PSG compound dakong 8:50 ng umaga ng Martes, Setyembre 26.
Sinabi ni Dagoy na batay sa inisyal na ulat ng SOCO o Scene of the Crime Operatives, inaalis na ang anggulong may foul play sa insidente.
Gayunman, hindi pa matiyak sa ngayon kung nagpatiwakal o aksidenteng nabaril ni Gonzaga ang sarili.
We really cannot speculate the… mahirap sabihing suicide when we do not have all the data to conclude.
It can also be an accident but we leave it up to SOCO.
Norinco calibre 45 ang ginamit. Accordingly, pag – aari niya.
_____