Pinatay na ng Vatican authorities ang may isandaang (100) fountains kabilang ang dalawang baroque masterpieces sa St. Peter Square.
Ito ay dahil sa nararanasang tagtuyot sa Roma bunsod ng mas mababa sa normal na pag-ulang nararanasan sa Italya.
Ayon kay Vatican Spokesman Greg Burke, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na kailangan nilang patayin ang kanilang mga fountain.
Dahil sa problema sa tubig sa lungsod, kinukunsidera na rin ng mga awtoridad ang pagrarasyon ng tubig sa mga mamamayan.
Ang Vatican ang nagsisilbing spiritual home nga may 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo.