Iginiit ng isang infectious disease expert sa pamahalaan ang importansya ng ginagawang ‘four-door’ strategy nito para makontrol ang banta ng Delta variant.
Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim ng technical advisory group ng health department na mahalagang ituloy ang door 1 at 2 ng naturang stratehiya.
Aniya, ito’y dahil malaki pa rin ang ginagampanan ng border control sa pagpigil para hindi kumalat ang virus.
Dagdag pa ni Ong-Lim na dapat ituring na lamang ang lahat na mga natutukoy na kaso ay isang ‘delta variant case’ para mas lalo pang maging maingat ang kilos ng bawat-isa.
Bukod naman sa pagpapatuloy ng border control, makatutulong din aniya ang patuloy na pagpapatupas ng mga lokal na pamahalaan ng mga localized lockdown.