Nagpasaring muli si dating pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Sa Cebu indignation rally, sinabi ng dating pangulo na ‘veering towards a dictatorship’ ang kasalukuyang administrasyon.
Binigyan-diin ni dating Pangulong Duterte na hindi niya nakikitang bababa sa pwesto si Pangulong Marcos sa pagtatapas ng termino nito.
Gaya ng ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior, nakikita anya niyang magdedeklara rin ng martial law si PBBM.
Kasunod nito nanawagan si Duterte sa Philippine National Police na gumawa anya ng moral desisyon at huwag lamang basta sumunod sa mga ipinag-uutos ng mga nakatataas. – Sa panulat ni Kat Gonzales