Bukas pa rin ang Senate Blue Ribbon Subcommittee na muling ipatawag si dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig kaugnay sa drug war campaign ng kanyang administrasyon.
Ito, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, ay sakaling maglabas ang dating pangulo ng mga bagong impormasyon na hindi nito sinabi sa kanyang pagharap sa senado.
Gayunman, iginiit ng senador na kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin niyang pakinggan na lamang ang kwento ng ibang resource person, kaysa ulitin ang salaysay ng dating pangulo. – sa panulat ni Laica Cuevas