Pinangunahan ni Father Robert Reyes ang isang misa sa basketball court sa loob ng Philippine National Police o PNP Custodial Center para kay Senador Leila De Lima.
Kasabay ito ng Ash Wednesday na hudyat nang pagsisimula ng Semana Santa.
Dumalo sa nasabing misa ang halos 30 katao na kinabibilangan ng mga kaanak, staff at supporters ni De Lima.
Ayon kay Father Reyes, masayang malungkot si De Lima sa nasabing misa dahil pinakamahalaga anito sa senador ang kuwaresma na ang mga aktibidad ay tinututukan niya sa kaniyang bayan sa Iriga.
Sinabi pa ni Father Reyes na tinanong siya ni De Lima kung makakalaya ito sa Biyernes Santo na sinagot naman niya aniya ng “Malay nyo po senadora sa Easter Sunday, wala na kayo rito“.
Naiyak aniya si De Lima sa buong misa lalo hindi pa rin nito inaasahang sasapitin ang makulong.
Inihayag pa ni Father Reyes na araw araw ay nagiging maayos ang senadora bagamat nag aalala ito dahil posibleng tumaba siya subalit nag e exercise naman aniya si De Lima.
Si Father Reyes na tinaguriang The Running Priest ang nagsisilbing spiritual adviser ni De Lima.
By Judith Larino |With Report from Jonathan Andal