Isinusulong ng DFA o Department of Foreign Affairs na magkaroon ng framework agreement ang mga bansang may inaangking bahagi ng South China Sea sa larangan ng pagtuklas ng mga natural na yaman sa karagatan tulad ng langis.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang ginagawa nilang hakbang ay bahagi ng naisin ng Pangulong Rodrigo Duterte na makahanap ng paraan kung paano magagamit ang mga natural na yaman ng bansa.
Sinabi ni Cayetano na maaaring magkaroon ng kasunduan sa mga hindi pinag-aagawang lugar para sa madaling ekplorasyon ng langis at gas tulad ng sa Malampaya Natural Gas Field sa northern Palawan.
By Len Aguirre
Framework agreement sa pagtuklas ng langis sa South China Sea isinusulong was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882