Selyado na ang framework agreement ukol sa strategic cooperation sa pagitan ng Australia at European Union.
Nakapaloob sa kasunduan ang pagpapalakas sa kooperasyon ng dalawang bansa na may kinalaman sa foreign and security policy, sustainable development, climate change at economic and trade matters.
Hinihimok din ng kasunduan ang mga lider ng Australia at European Union na paigtingin pa ang business at civil society relations ng mga ito.
Bukas ang framework agreement sa mga bansang kasapi ng European Union.
By Meann Tanbio