Inendorso na ng mga Foreign Ministers ng Association of Southeast Asian Nations ang framework ng code of conduct o COC upang harapin ang issue ng maritime dispute sa South China Sea.
Ayon kay Foreign Affairs acting spokesman Robespierre Bolivar, inaasahang i-a-adopt ang framework COC sa ASEAN China ministerial meeting ngayong araw.
Dapat anyang magkaroon ng epektibong code of conduct sa oras na ilarga ang mga negosasyon sa mga susunod na buwan o taon.
Ipinunto ni Bolivar na pinili ng Pilipinas ang isang “legally binding” at epektibong code of conduct na dapat i-respeto ng bawat panig.