Maghaharap mamayang gabi ang mga koponan ng France at Canada sa finals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament-Manila Leg.
Six-Six ang average height ng Canada at may 5 itong NBA player, samantalang meron namang 4 na NBA player ang France at 6-7 ang average height ng team.
Una rito, nagtala ng come-from-behind win ang France laban sa Turkey, sa score na 75-63, at dinispatsa naman ng Canada ang pagtatangka ng New Zealand, sa score na 78-72, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.
By: Avee Devierte