Nakisawsaw na rin ang France at United Kingdom sa maritime dispute sa West Philippine Sea.
Ito’y makaraang ihayag nina French Armed Forces Minister Florence Parly at British Secretary of State for Defence Gavin Williamson na maglalayag ang kani-kanilang barkong pandigma sa pinag-aagawang karagatan.
Ayon kina Parly at Williamson, suportado ng Pransya at Britanya ang code of conduct sa South China Sea na tatalima sa international law at matiyak na umiiral ang freedom of navigation.
Limang barkong pandigma ang ipadadala ng France habang tatlo sa United KIngdom.