Nanindigan si French President Francois Hollande na ipagpapatuloy nila ang “walang awang” pag-atake sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ito’y bilang ganti makaraang akuin ng ISIS ang pamamaril at suicide bombing sa Paris, France na ikinasawi na ng 127 katao.
Idineklara rin ni Hollande ang 3 araw na national mourning at inilagay sa pinaka-mataas na lebel ang seguridad ng bansa.
Isa anyang “an act of war” ang inilunsad na pag-atake ng ISIS na hindi nakatulong upang matigil ang digmaan sa Syria at Iraq bagkus ay lalo nitong patitindihin ang airstrike sa Middle East.
Iginiit ni Hollande na pansamantala nilang kalilimutan ang salitang “awa sa mga kalabang barbaro sa Gitnang Silangan” at tiniyak na walang ititirang buhay hanggang sa maubos at malipol ang lahat ng miyembro ng ISIS.
By: Drew Nacino