Pinangunahan ng France ang panawagan sa Amerika na manatili sa Paris Climate Agreement.
Kasunod ito ng paninindigan ni US President Donald Trump na hindi na makikiisa sa naturang agreement dahil unfair umano ito sa kanila.
Ayon kay French Foreign Minister Jean-Yves, hindi sila titigil sa pagbibigay ng international pressure sa Amerika para hindi ito bumitaw.
Ang Paris Climate Agreement ay kasunduan ng mga bansa na maglarga ng mga aksyon para kontrahin ang epekto ng climate change at epekto nito.
—-