Magbibigay narin ng tulong pinansyal ang gobyerno ng France para sa mga naslaanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Aabot sa 2 million euros o tinatayang nasa mahigit 100 milyong piso ang ipamamahaging tulong ng France bilang relief efforts para sa mga nasalantang pamilya.
Kabilang sa ipamamahagi ng France ang libo-libong family packs at hygiene kits, kasama na ang mga materyales para sa emergency rehabilitasyon ng mga nawasak na bahay sa probinsya ng Surigao Del Norte, Palawan, at Bohol.
Samantala, maglalaan din ang French Government ng isang milyong euros sa World Food Programme at sa UN Children’s Fund bilang tugon sa apela ng United Nations. —sa panulat ni Angelica Doctolero