Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni French President Emmanuel Macroon sa Iranian authorities para hilutin ang tensyon sa pagitan ng Iran at ng Amerika.
Nabatid na makikipag diyalogo si Macron sa Hulyo 15 sa Iran at Amerika upang subukang pahupain ang tensyon dahil sa nuclear ambitions ng Tehran.
Labis na nababahala si Macron sa namumuong sigalot sa pagitan ng Iran at ng mga maka-kanluraning bansa na siyang magpapahina sa kasunduang nilagdaan nila noong 2015.
Una rito, kinausap muna ni Macron si Iranian President Hassan Rohani ng mahigit isang oras para paki-usapan na ikonsidera ang mga bagay na magpapakalma sa tensyon