Pinangunahan ni Tony Parker ang France sa panalo nito laban sa Canada sa score na 83-74 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Maynila.
Dahil sa nasabing panalo, nakuha ng koponan ang tiket sa Rio Olympics na gaganapin sa buwan ng Agosto.
Hindi naging madali sa France ang laro dahil nakalaban nila ang Canada na kasama ang mahuhusay na sina Cory Joseph at Tristan Thompson ng Cleveland Cavaliers.
Kumamada naman si Parker ng 26 points kung saan 15 rito ay nakuha niya sa final period.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AP