Magluluwag ng Travel restrictions ang France sa mga dayuhan na mangagaling sa United Kingdom.
Magsisimula ito ngayong araw kung saan lahat aniya ng mga fully-vaccinated na pasahero ay hindi na mag-a-isolate pagdating sa France.
Bukod dito, kailangan na lamang magpakita ang mga ito ng negative COVID-19 test na isinagawa 24 oras bago umalis sa nasabing bansa.
Una nang ipinatupad ng France ang nasabing paghihigpit noong December 18 para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.