Kinumpirma ni Pinoy Icon Freddie Aguilar ang pagtanggap niya sa alok ng Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang NCCA o National Commission for Culture and the Arts
Ayon kay Aguilar si Special Assistant to the President Bong Go ang tumawag at humiling sa kaniyang pamunuan ang NCCA
Sinabi ni Aguilar na kaagad niyang tinanggap ang alok dahil wala aniya siyang karapatang tumanggi sa Pangulo lalo nat kung makakatulong naman aniya siya sa gobyerno
Naniniwala si Aguilar na kailangan ng hiwalay na ahensya o magkaruon ng Department for Culture and the Arts
Kasabay nito nilinaw ni Aguilar na panukala lamang ang nabanggit niyang paglilipat ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park para maresolba ang photobombing issue
By: Judith Larino