Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang “free access” sa mga contraceptive para sa anim (6 ) na milyong kababaihan na walang kakayahang bumili nito.
Ayon kay Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, mahalagang ipatupad ang pinaigting na hakbang para sa “family planning” at upang mabawasan ang kahirapan.
Target anya ng pamahalaan na maibaba ang poverty rate sa 14 o 13 percent sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa 21.6 percent noong 2015.
Sa Executive Order na nilagdaan ni Pangulong Duterte, noong Lunes, sa 6 na milyong kababaihan na may pangangailangan para sa modern family planning, 2 milyon ang mahihirap at target na mabigyan ang mga ito ng access sa taong 2018.
Inaatasan din ang government agencies na tukuyin ang mga mag-asawa o mag-partner na mayroong nangangailangan ng family planning.
By Drew Nacino