Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTR) ang posibilidad ng pagbibigay ng karagdagang free bus rides sa mas marami pang ruta sa ilalim ng Libreng-Sakay program.
Ayon kay DOTR Undersecretary Cesar Chavez, sapat lamang kasi ang pondo ng kagawaran para sa kasalukuyang ruta ng libreng-sakay.
Magkakaroon naman aniya sila ng pagpupulong kasama ang iba pang ahensya kaugnay dito.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang extensyon ng libreng-sakay sa EDSA carousel bus hanggang sa December 2022 na nakatakda sanang magtapos nitong July 30, 2022.