Tinatrabaho na ng House Committee on Constitutional Amendments ang Free College Education para maisama sa pag-draft ng Federal Charter.
Ayon kay House Panel Vice Chairman Vicente “ching” Veloso, resulta ito ng kanilang isinagawang panel’s consultations sa publiko hinggil sa posibleng pag-amyenda ng konstitusyon.
Pahayag nito, pawang mga estudyante sa kolehiyo at mga undergraduates ang dumalo sa inilunsad nilang konsultasyon.
Paliwanag ng mambabatas, kung pag-aaralan ang nakasaad sa Article XIV, Section 2 ng 1987 constitution, tanging mga estudyante lamang na nasa elementary at high school level ang maaring maka-avail ng free public education at hindi kabilang ang mga kolehiyo.