Ganap nang batas ang libreng tuition para sa mga estudyante ng SUCs o State Universities and Colleges.
Nilagdaan rin ng Pangulo ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act sa gitna ng pagtutol dito ng kanyang economic managers dahil hindi umano kakayanin ng gobyerno ang 100 bilyong pisong pondo para rito.
Ayon kay Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, nasa kamay na ngayon ng Kongreso ang bola para hanapan ng pondo ang libreng tuition para sa susunod na taon.
Maliban dito, mayroon rin anyang isinasaad sa batas kung saan puwedeng kumuha ng pondo upang maipatupad ang batas.
“That is something for the Congress to think about, that will entail possibly a reallocation of resources, of course the President has already submitted the national expenditure program which is the proposed budget, but during the budget deliberations many things can still happen, certain adjustments can be made, and under the law itself there are other sources of funding, official development assistance is one possible source, and we’re also hoping donations both from local and international sectors will come in.” Pahayag ni Guevarra
By Len Aguirre | (Ulat ni Aileen Taliping—Patrol 23)