Walang magiging epekto sa mga enrollees ng pribadong kolehiyo at unibersidad ang pinirmahang free college tuition bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian kasunod ng pangambang posibleng magsilipat sa mga SUC’s o State Universities and Colleges ang mga mag-aaral na nasa pribadong eskwelahan.
Ayon kay Gatchalian, naniniwala siyang ang pamantayan ng mga estudyanteng pumapasok sa mga pribadong eskwelahan ay ang kalidad ng edukasyon.
Ani Gatchalian, batay sa mga tala, patuloy pa rin ang pagtaas ng mga nag-i-enroll na mga estudyante sa mga pribadong eskwelahan bagama’t kada dalawang taon ay nagtatakas ng matrikula ang mga ito.
Sa ating mga kabayayan, pinipili nila ‘yung mga private university dahil sa tingin nila ay mas makabubuti ‘yun sa kanilang mga estudyante, so iba ‘yung decision making point eh, so sa tingin namin, hindi magkakaroon nung kinakatakutan na mass exodus to public school, dahil ‘yung mga nag-aaral sa private school ay mas pinili dun dahil nga sa quality o antas na kanilang tinitingnan.