Ganap nang isang batas ang R.A. o Republic Act 10969 na mas kilala bilang Free Irrigation Service Act makaraang lagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagtupad sa kaniyang ipinangako sa mga magsasaka.
Sa ilalim ng naturang batas, libre nang magagamit ng lahat ng mga magsasaka ang irigasyon o patubig para sa kanilang mga tanim sa loob ng walong ektaryang sakahan.
Mas mataas ito ng tatlong ektarya mula sa ipinasang bersyon ng Senado na hindi hihigit sa limang ektarya ang ililibre ang mga magsasaka sa irigasyon.
Maliban dito, nilagdaan din ng Pangulo ang dalawa pang bagong batas nito lamang linggong ito tulad ng pagdideklara sa Agosto 25 ng bawat taon bilang National Technical Vocational Day at ang paglikha ng bagong mga barangay sa mga lugar ng Velanzuela at Misamis Oriental.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Ulat ni Robert Eugenio