Napuno ng kasiyahan at camaraderie ang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Fine Craftsmen Apparel ng Free Masonry.
Pinangunahan ni Free Masonry Philippines Grandmaster Don Ramas Uypiching kasama ang ilang board members ng fine craftsmen na sina Manny Lacsamana at Ali Altega ang nasabing pagdiriwang na tinaguriang Fine Crasftment Manifest 10th anniversary na dinaluhan ng buong puwersa ng Free Masonry.
Tampok sa nasabing anibersaryo ang mga bagong collection ng Fine Craftsmen Apparel gayundin ang iba’t ibang booth ng mga pagkain at mga gamit, masonic fashion show, masonic merchant trade show, car and bike show at live performances tulad ng bandang Orange and Lemons.
Nagsilbing highlight ng anibersaryo ang pagbibigay ng certificate of appreciation kay GM Uypiching bilang pinuno ng grupo at tseke bilang tulong ng Fine Craftsmen Apparel sa fraternity kasabay ang “Event’s Toast” Para sa mas malakas pang free Masonry Philippines.
Ayon kay Grandsmaster Don, natutuwa siya at malaking karangalan para sa kanya ang itaguyod ang isang samahang tunay na nagkakaisa at nagsusulong ng mga katuwiran at kabutihan.
Ipinaalala ni GM Uypiching sa mga miyembro ng Free Masonry na huwag hayaang mawasak ng pagkakanya kanya ang kanilang samahan.