Mag-aalok ng libreng shuttle service ang Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Grab Philippines, para sa mga pasaherong nagmumula sa NAIA at tutungo sa anumang lugar sa National Capital Region.
Magaganap ito sa Hunyo a-15 at magtatagal hanggang a-30.
Ayon kay Mark Steven Pastor, Undersecretary for Road Transportation and Infrastructure ng DOTr, dagdag ang inisyatibo ng nagpapatuloy na Libreng Sakay’ Program sa MRT-3.
Habang bilang pasasalamat na rin ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Nasa 100 Grab rent shuttles ang ipapakalat sa paliparan na magagamit alas-8 hanggang alas-11 ng gabi.
Para maka-avail, magtungo lang sa Grab booth sa arrival areas ng NAIA Terminals 2 at 3.