Lumagda ang Pilipinas at Republic of Korea sa isang free trade agreement.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN-Republic of Korea summit na ginanap sa pamamagitan ng isang virtual conference, na malaki ang maitutulong nito lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Una nang inihayag Department of Trade and Industry (DTI) na magbibigay-daan ang nasabing kasunduan para maipadala ang export products ng Pilipinas sa East Asian Nations.
Sa huli, sinabi ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtitiyak ng kapayapaan at katatagan sa Korean peninsula.