Itinutulak sa Senado na gawing libre ang matrikula sa mga state universities at colleges o SUCs.
Anim na senador ang mga naghain ng mga Senate bills na parehong nagsusulong ng libreng edukasyon kaya hindi umano malayong maipasa ito agad sa susunod na taon.
Ito’y kinabibilangan nina Senators Ralph Recto, Sonny Angara, JV Ejercito, Bam Aquino, Sherwin Gatchalian at Kiko Pangilinan.
Bagama’t natutuwa ang ilang estudyante sa panukala, hindi naman pabor ito Commission on Higher Education o CHED.
Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, 10 bilyong piso ang kakailanganing dagdag-pondo ng pamahalaan para sa mahigit 1 milyong estudyante.
Giit pa ng CHED official, maaaring mag-migrate o lumipat sa mga pampublikong kolehiyo ang mga nasa pribadong eskwelahan kaya’t makakalibre kahit ang may mga kakayahang magbayad ng tuition fee.
By Jelbert Perdez