Posibleng hindi maipatupad ang libreng tuition fee sa mga state universities and colleges o SUCs sa susunod na taon.
Sa harap ito ng di umano’y pagbaba ng budget na inilaan para sa CHED o Commission on Higher Education para sa susunod na taon.
Ayon kina ACT Teachers Partylist Reprentatives Antonio Tinio at France Castro, mula sa kasalukuyang 18.7 billion pesos ay bumaba ng 33 porsyento ang panukalang budget para sa CHED o 12.42 billion pesos na lamang.
Ngayong taon ay nagkabisa ang batas na nagkakaloob ng libreng tuition fee sa state universities na agad naipatupad dahil may nakapaloob nang budget para rito sa 2017 General Appropriations Act.
Napag-alamang sa isinumiteng NEP o National Expenditure Program ng Malakanyang sa Kongreso ay hindi isinama ang higher education support fund ng CHED na magpopondo sa libreng tuition fee sa state universities.
By Len Aguirre
Free tuition sa mga SUC nabunyag na wala sa 2018 budget was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882