Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang intensyong pulitikal ang ibibigay nilang libreng pagpapalabas ng laban ni Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, sadyang ginagawa nila ito sa tuwing may laban si Pacman.
Inspirasyon na rin kasi, aniya, ang Pambansang Kamao para sa mga sundalo lalo na’t masasabing kasamahan na rin nila si Pacman dahil sa pagiging reserved officer nito.
Giit pa rin ni Detoyato, hindi nila iniimpluwensyahan ang mga sundalo na iboto si Pacquiao sa darating na eleksyon sapagkat ito ay individual choice na ng mga sundalo at hindi idinidikta ng pamunuan ng AFP.
Bukod sa Kampo Aguinaldo, ipalalabas din nang live sa iba pang kampo ng militar ang labanang Pacquiao-Bradley sa Linggo.
By Avee Devierte | Jonathan Andal (Patrol 31)