Halos kumpleto na ang libreng Wi-Fi sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa.
Ayon kay Secretary Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nailatag na nila ang libreng Wi-Fi sa mga paliparan at daungan, batay sa isinasaad ng batas sa free access to wi-fi na nilagdaan ng pangulo sa pagpasok pa lamang ng 2019.
Nakumpleto anya ito matapos na maisabatas naman ang libreng Wi-Fi sa lahat ng istasyon at antayan ng bus kasama na ang paglalagay ng breastfeeding stations at malinis na comfort rooms.
Nationwide… so ngayon kumpleto na sa airport natin meron, ‘yung ating mga pier, ‘yung naghihintay ng barko nila, and ngayon ‘ynug mga bus station. Pag punta nila do’n wala ng password na kailngan,” ani Rio.
Kasabay nito, tiniyak ni Rio na mararamdaman na ng publiko ang malaking pagbabago sa larangan ng komunikasyon sa 2020.
Papunta tayo d’yan, no. Ang importante lang an gating imprastraktura y ma-improve natin, slowly. In fact naiimprove na, no, ‘yung atin imprastraktura pero ‘yung aming target talaga is mayroon kaming short vision 2020, no. Ang vision 2020 ay mararamdaman na talaga ng ating mga kababayan ang big improvement sa ating telecommunication services. Mabilis, mura at of course lahat ng maraming applications na pwede na nilang puntahan,” dagdag pa ni Rio.
Balitang Todong Lakas Interview