Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpapatupad ng free wifi sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pagkumpirma ni DICT Secretary Ivan John Uy, kasama ang free wifi sa mga natalakay sa cabinet meeting na ipinatawag ni Pangulong Marcos.
Bagaman agad na itong ginagawan ng paraan, mayroon pa ring hamon silang kinakaharap lalo na yung mga liblib at malalayong lugar.
Aminado naman si Uy na simula ang pagpasok ng administrasyong Duterte ay gumanda na ang internet connection sa bansa.