Isasabatas ni President-elect Rodrigo Duterte ang Freedom of Information bill upang magkaroon ng access ang media sa ilang dokumento.
Ayon sa incoming chief ng Presidential Communications Operations office na si Martin Andanar, magpapalabas ng executive order para sa FOI si Duterte sa oras na maupo ito bilang Pangulo upang maging mas transaparent umano ang gobyerno.
Una nang umani ng batikos si Duterte mula sa mga mamamahayag matapos nitong sabihing tiwali ang ilan sa kanila at karapat-dapat lamang na mamatay ang ilan sa mga naging biktima ng media killings.
Kamakailan lang din, sinipulan ni Duterte ang isang TV reporter na nagtatanong sa kanyang press con.
By: Avee Devierte