Nanawagan ang Australia sa China na itigil na nito ang anumang aktibidad sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull makaraang igiit nito ang kanilang freedom of navigation sa naturang karagatan partikular na sa Woody Island na bahagi ng Paracel Group.
Ginawa ng Australia ang pahayag kasunod ng ginawang pagkakasa ng China sa kanilang mga anti-aircraft missiles sa pinag-aagawang teritoryo.
Binigyang diin pa ng Australian Prime Minister na hindi magbabago ang kanilang pagsuporta sa isang mapayapang pagresolba sa sigalot sa nasabing rehiyon.
By Jaymark Dagala