Bumaba ang negosyo ng mga freight o cargo forwarder ngayong 2015 kumpara noong nakaraang taon.
Ipinabatid ng Overseas Filipino Workers advocate na si Susan “Toots” Ople na 20 hanggang 30 porsyento ang ibinaba ng negosyo ng mga freight forwarder dahil na rin sa naunang plano ng Bureau of Customs na pagbubukas ng balikbayan box ng mga OFW.
Inihalimbawa ni Ople ang kaso ng negosyong Atlas Shipping kung saan sinabi ng may-ari nitong si Joel Lungares na 50 containers na lamang ang ipinadadala sa kanila ngayong taon ng mga OFW kumpara noong Oktubre 2014 na pumapalo sa 70 containers.
Ani Ople, bumaba ang sales ng mga balikbayan box dahil hindi pa aniya lubusang gumagaling ang epekto ng naudlot na pagbubukas ng mga ito ng customs.
Inaasahan aniya na pagpasok ng Ber months ay triple na ang sales ng mga cargo forwarder.
Matatandaang noong Agosto, ipinag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino sa customs na itigil ang planong pagbubukas ng mga balikbayan box matapos itong batikusin ng maraming OFW.
By: Meann Tanbio I Allan Francisco