Umalma ang French Embassy sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa criminal law sa France.
Binigyang diin ng embahada na pinaiiral din sa France ang batas sa Pilipinas hinggil sa “Presumption of Innocence until Proven Guilty”.
Nalinaw naman anila ito sa French declaration of Human and Civil Rights na inilabas nuong August 26, 1789.
Ayon pa sa French Embassy pinahahalagahan ng France ang Rule of Law at due process at iginagalang dito ang karapatang pantao ng lahat ng bansa kabilang ang Pilipinas.
Una nang binalikan ng Pangulong Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa pagsasabing bumalik na ito ng France at ayusin ang sistema ng hustisya ruon.
By: Judith Larino
SMW: RPE