Nagbitiw na sa puwesto si French Prime Minister Edouard Philippe matapos ang kanyang pamumuno sa gobyerno ni President Emmanuel Macron sa loob ng tatlong taon.
Ayon sa tanggapan ni Macron, agad na tinanggap ng presidente ang resignation ni Philippe, kasabay ng pagtatakda ng panibagong reshuffle o balasahan, partikular sa hanay ng gabinete.
Sinasabing isang matapat na tauhan ni Macron si Philippe pero isa rin ito sa mga maaaring makaharap ng presidente sa 2022 presidential election.