Inaresto ng mga otoridad ang French urban climber na si Alain Robert.
Ito ay matapos magdulot ng tensyon at alarma sa mga empleyado sa lugar nang akyatin ni Robert ang GT Tower sa Makati City.
Ang insidente ay kauna unang pag akyat ng 56 na taong gulang na si Robert sa isang gusali sa bansa.
Bagama’t ligtas na nakaakyat at nakababa si Robert, sinabi ni Makati City Police Chief Rogelio Simon na walang permit ang ginawa nilang pag akyat sa GT Tower na may taas na mahigit 700 feet at ika-siyam na itinuturing na pinakamataas na gusali sa bansa.
Si Robert ay una nang inaresto sa London nuong isang taon matapos akyatin ang Heron Tower.