Tumaas pa ang heat index o ang init na nararamdaman ng katawan sa Luzon.
Sa Cabanatuan mula sa 52.5 degrees celsius nung Miyerkules, pumalo na sa 52.7 degrees celsius kahapon ang heat index habang 47.1 degrees celsius naman sa Metro Manila bandang alas-2:00 ng hapon kahapon.
Hindi gaanong nag-iiba ang temperatura ng hangin pero tumataas ang relative humidity o yung moisture sa ere na tinatawag ding alinsangan.
Dahil sa sobrang init at moisture, nagdulot din ito ng pulo-pulong pagkulog pagkidlat sa ilang lugar sa Metro Manila lalo na sa hapon at gabi.
Lalo rin pinapainit ang temperatura ng ridge of High Pressure na nakakaapekto sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, habang nasa transition period pa lamang papunta sa tag-ulan, asahan na ang ganitong init at ulan hanggang sa mga susunod na araw.
By Mariboy Ysibido