Asahan ang maulap na papawirin na may kasamang katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao kasabay ng pagdiriwang ng 117th Independence Day Anniversary, ngayong araw.
Partikular na makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang katamtamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ARMM, Soccksargen at Zamboanga regions.
Posible ring makaranas ng isolated thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa lalo sa hapon o gabi.
Ito, ayon sa PAGASA, ay bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa katimugang Mindanao.
Samantala, wala namang namamataan na panibagong sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
By Drew Nacino