Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang magpapa-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
Asahan ang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Caraga Region gayundin sa Northern Mindanao.
Makararanas din ng moderate to heavy rains ang Bohol, Siquijor at Southern Leyte.
Samantala, patuloy na mino-monitor ang dalawang cloud cluster sa silangan ng Mindanao.
May tiyansa pa rin itong mabuo o di kaya ay magsanib at maging Low Pressure Area (LPA) sa weekend.
By Mariboy Ysibido