Tiwala ang MMDA o Metro Manila Development Authority na libu-libong mananakay ang gagamit sa friend trip application ng ahensya na naglalayong makabawas ng sasakyan sa kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, pinag-aaralan na nila ang pagbibigay ng stickers o ID sa mga gagamit ng friend trip upang mabilis ang koordinasyon.
Pinag-aaralan na rin ng MMDA ang pagbibigay ng exemption sa number coding para sa mga gagamit ng friend trip at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Local Government Units upang mabigyan ng discounts sa parking areas.
Ang friend trip ay isang application sa facebook na puwedeng gamitin ng mga magkakaibigan para sa car pooling.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit