Umaasa ang Palasyo na sa matagumpay na opening ng 30th Southeast Asian (SEA) Games kagabi, Nobyembre 30, ay iiral ang friendly competition sa lahat ng mga atleta at maipamamalas ang totoong kahulugan ng sports.
Muli namang humingi ng paumanhin ang Palasyo sa mga inconvenience na naranasan ng mga atleta bago ang ganap na pagbubukas ng SEA Games kagabi.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na commited ang administrasyon sa pangako nitong maimbestigahan ang naganap na iregularidad sa naganap sa paghahanda sa patimpalak.
Nagbigay naman ng good luck wish ang Malacañang sa lahat ng mga atletang magpapamalas ng kanilang galing sa kompetisyon kungsaan ire-representa ng mga ito ang kani-kanilang mga bansa.