Nananatiling matalik na magkaibigan sina Boy Abunda at Kris Aquino.
Sa isang interview, sinabi ni Boy na walang nagbago sa relasyon nila ni Kris kahit hindi na sila magkasama sa isang TV show.
“Kahit nung nagkakatrabaho kami ni Kris, hindi ako clingy. Even during those times when we were working together sa ABS-CBN or after we’d work together, kahit mga birthdays.”
Kasabay nito ay pinasinungalingan din ni Boy ang mga ulat na hindi sila ‘in good terms’ ni Kris dahil absent siya sa house blessing nito.
Aniya hindi nasusukat ang pagiging magkaibigan sa pagdalaw sa bahay o palagiang pagkikita, hindi man aniya sila palaging nagkikita ni Kris ay tiniyak nitong hindi nagbabago ang kanilang pagkakaibigan.
Bago pa umalis sa Kapamilya network noong isang taon si Kris, matatandaang ilang talk show na ang pinagsamahan ng dalawa kung saan ang pinakahuli ay ang programang “Aquino and Abunda Tonight.”–AR
Friendship nina Boy at Kris matibay pa rin was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882