Opisyal nang kinilala ng International Olympic Committee ang frisbee bilang isang Olympic sport.
Ito ay matapos maabot ng World Flying Disc Federation ang mga criteria para maging ganap na Olympic sport.
Kabilang na rito ang pagkakaroon ng 62 national federations at gender equality.
Ayon kay WFDF President Robert Rauvh, isang pambihirang milestone ito para sa 30 taon nang sport na frisbee.
Dahil dito, inaasahan ng grupo na lalo pang lalawak ang kaalaman ng publiko sa buyong mundo ukol sa sport na frisbee.
Ang frisbee ay naging popular noong 1960’s at 70’s at kasalukuyang mayroon nang major championships gaya ng ultimate frisbee, beach ultimate at iba pang field events.
By Ralph Obina