Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na isang ‘front’ lamang ang Small Town Lottery o STL sa operasyon ng jueteng.
Paliwanag ni Lacson, ang mga nakakuha umano ng akreditasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay mga dati umanong jueteng lord.
Sa ganito aniyang paraan ay nagpapatuloy pa rin ang jueteng imbes na STL ang pinapatakbo ng mga nasabing operator.
Giit pa ng senador, sila ang nagkakamal ng salapi dahil sa kanilang kinikita na umaabot sa anim na bilyong piso (P6-B).
Samantanla, ang nakokolekta lamang ng PCSO mula sa Accredit Agent Corporation (AAC) ay nasa 1.7 bilyong piso lamang.
Dahil dito, inatasan ni Lacson ang PCSO na rebyuhin ang performance ng AAC na nagpapatakbo ng STL upang masigurong walang anomalyang nagaganap sa nasabing operasyon.